^

Punto Mo

Last two minutes!  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

KUNG baga sa larong basketball, nasa last two minutes na ang kampanya para sa isasagawang halalan sa bansa .

Parang sa natitirang mga minuto hanggang sa pagsapit ng eleksyon sa darating na Lunes, Mayo 9, magkakaalaman na kung sino ang uupong mga bagong manunungkulan sa pamahalaan.

Malalaman na kung sino ang mga pinalad at kung sino ang mga nabigo.

Hindi lang sa mga posisyong nasyunal kundi maging sa  local.

Sa darating na Sabado ang huling araw ng kampanya.

At  tulad din sa larong basketball , kapag last two minutes na dyan na mas lalong nag-iisip ng estratihiya ang coach, lalu na kung ang team niya ang dehado.

Walang sasayanging mga segundo, para makapuntos at magwagi.

O hindi ba’t ganyan na ang nangyayari sa kasalukuyan, kanya-kanya nang pamamaraan para makamit ang kampeonado o tagumpay.

Kailangan maihinto ang bawat segundo, kaya dyan na madalas nagbibigay ng mga ‘foul’.

Ganyan din ang kampanya sa halalan, sa mga natitirang araw may ilang kandidato ang talagang nasasangkot na sa maruming kampanya.

Parang sa laro na babalyahan na.

Pero sa huli tatakbo pa rin ang kamay ng orasan, minsan yung naghahabol nakakahabol, pero madalas din yung naghahabol lalu’t malaki ang aang lamang, binabayaan na lang ng liyamado, pang-ubos oras.

Wait ang see  na lang tayo sa araw ng halalan.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with