^

Punto Mo

Aresto at kaso, sa ‘di hihinto sa e-sabong!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapahinto sa e-sabong, eto’t may babala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga hindi pa humihinto sa kanilang operasyon.

Aresto at kaso ang kakaharapin ng mga ito.

May natanggap kasing ulat ang DILG, na may ilan pa na tila ayaw pang sumunod sa kautusan at kung anu-ano pa ang idinadahilan.

Kabilang dyan ang hinahanap pa ang implementing rules and regulations (IRR) at kung anu-anong rekisitos bago tumigil at sumunod.

Ayon sa DILG, malinaw ang utos ng Pangulo, ihinto ang operasyon.

Hindi na umano kailangan ang anumang technicalities o anumang justifications.

Sa madaling salita, sa kasalukuyan epektibong ilegal ang e-sabong sa ngayon at ang nasasangkot pa sa operasyon nito ay may paglabag at nahaharap sa kaukulang kaso.

Bagama’t may mga operators at betting station na ang sumunod, may report pa rin na ang ilan nga ang nagpapatuloy, na ito ngayon ang target naman nang operasyon ng mga awtoridad.

Sa pagtaya ng DILG, nasa 5 milyon ang e-sabong players sa bansa.

Bigla-biglang dumami ang nalulong sa sugal na ito online, lalo na nitong panahon ng pandemya.

Ang nakakalungkot nga lang, marami na ring mga menor-de-edad ang nagsisimula nang masangkot dito na kailangang maagapan.

Maraming pamilya na rin ang nasira at mga kabuhayan na nawala dahil sa sugal na ito.

Kaya nga todo tutok ngayon ang DILG sa mga operators na hindi pa rin tumatalima sa kautusan ng Pangulo. Sila umano ang sasampolan ng mga awtoridad para tuluyang makasuhan.

DILG

SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with