^

Punto Mo

Maari bang hindi ­nakapirma ang asawa sa deed of sale?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May bisa po ba ang deed of sale kung hindi nakapirma ang asawa ng seller? Nasa abroad daw kasi ngayon ang asawa ng nagbebenta ng lupa at matagal pa raw ito bago makauwi ng Pilipinas? —Jenny

Dear Jenny,

Kung kasal nga ang kausap mong seller, walang magiging bisa ang deed of sale kung tanging siya lamang ang pipirma sa kontrata, lalo na kung kalauna’y itanggi ng kanyang asawang nasa ibang bansa ang kanyang consent o pagpayag sa naging bentahan.

Magkatuwang kasi ang mga mag-asawa sa pagmamay-ari  at pangangasiwa ng kanilang mga ari-arian, partikular na iyong mga ikinasal matapos maging epektibo ang Family Code noong Agosto 3, 1988 na wala namang pinirmahang pre-nuptial agreement.

Ibig sabihin, kailangang may consent pareho ang mag-asawa kung sakaling magbebenta sila ng property dahil pareho silang may-ari nito. Walang bisa ang magiging bentahan kung isa lamang sa kanila ang pumirma at magpahayag ng pagpayag sa pagbebenta ng kanilang ari-arian.

Upang maiwasan ang sakit ng ulo, mas mabuting i-secure mo na muna ang pirma ng asawa ng seller bago mo bilhin ang lupa kaysa naman magastusan ka pa sa posibleng demandahan na mangyayari kung sakaling wala palang alam ang asawa ng seller sa naging pagbebenta ng property at kung kuwestiyunin niya ang pagbili mo nito.

SELLER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with