^

Punto Mo

E-sabong, hinto na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

TULUYAN nang ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng e-sabong sa bansa.

Ito ay sa kabila na nasa  P640 milyon kada buwan o halos bilyun-bilyong piso kada taon na kinikita sa e-sabong  ang mawawala sa bansa.

Isa sa pangunahing dahilan dito ng Pangulo ay dahil sa hindi ito naayon sa ‘values’ ng mga Pinoy.
Mismong ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang nagrekomenda na ipatigil ang e-sabong o online sabong dahil sa napakaraming negatibong idinudulot nito sa buhay ng mga Pinoy.
Base rin sa isinagawang pag-aaral, matindi ang naging impact nito hindi lamang sa isang indibiduwal na nalululong dito kundi maging sa kanyang mga mahal sa buhay o pamilya.

Hindi lamang nauubos ang kabuhayan ng mga nalululong dito, madalas nababaon pa sa utang ang marami at ang masakit  pa nga may insidenteng nagiging dahilan pa nang pagkitil sa kanilang buhay.

Lalong naging kontrobersiyal ang e-sabong nang maisiwalat ang  pagkawala ng may 34 sabungero  na hanggang ngayon nga ay wala pang nakikitang linaw kung nasaan na.

Aba’y dahil sa napapanood na nga online, marami ring mga bata o menor de edad ang nalululong na rin dito.

At kapag nalululong, kailangang maghagilap ng pantaya o pansugal. Dyan na papasok na makaisip na gumawa ng krimen o masama.

Maaari namang kumita pa sa ibang paraan ang bansa, na hindi nawawala ang magandang values ng mga Pinoy.

Bukod sa mapapangalagan hindi nga lang ang buhay kundi ang pamumuhay ng bawat pamilyang Filipino.

 

E-SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with