^

Punto Mo

Eleazar, nasa listahan ng Iglesia ni Cristo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HABANG papalapit ang May 9 elections, kumakalat ang balita na si senatorial aspirant ex-PNP chief Guillermo Eleazar ay kasama sa listahan sa pagka-senador ng poweful sect na Iglesia ni Cristo (INC). Mabuti naman! Nasa kalakaran naman ng mga kapatid nating INC ang bloc voting na ang ibig sabihin ay halos lahat ng miyembro nila ay iboboto ang pinili ni INC Executive Minister Eduardo Manalo, di ba mga kosa? Sa totoo lang milyones ang botante ng INC, mula Aparri hanggang Jolo, kaya gaganda tiyak ang tsansa ni Eleazar na makapasok sa Top 12 ng Senado.

Kung sabagay maraming grupo na ang nagdeklara ng open support kay Eleazar, kabilang na ang El Shaddai ni Mike Velarde, mga Christian groups, mga Masons, Eagles at malaking dagdag pa kapag pormal na itaas ang kamay niya ni Manalo, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kaya naman maraming grupo ang may gusto kay Eleazar kasi nga subok na ang track record niya sa trabaho. Mismooooo! Get’s n’yo mga kosa kong Marites?

Hindi naman kataka-taka kung suportahan ng mga kapatid nating Iglesia si Eleazar dahil ilang buwan din itong naging hepe ng Quezon City Police District (QCPD) kung saan namumugad ang main headquarters ng INC. Siyempre, hindi naman maikaila na nagkaroon ng magandang relasyon si Eleazar sa INC sa tagal n’ya sa Quezon City at maging noong hepe siya ng NCRPO. Ang palagi ko ngang naririnig sa Camp Crame bago mai-assign ang police officials bilang provincial at regional directors o magagandang assignment sa PNP ay inuutusan silang “magpaalam na sa Central”, na tawag sa INC headquarters sa Quezon City. Kung sabagay, ang puso’t damdamin ni Eleazar ay sa Quezon City kaya maliwanag pa sa sikat ng araw na may puwang din sa kanyang dibdib ang mga kapatiran natin sa INC. Get’s n’yo mga kosa? Mismooooo! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

May balita rin na kinukuha ng kampo ni VP Leni si Eleazar bilang kapalit ng isang kandidato na itiniwalag nila. Sa kampo naman ng UniTeam, ibinabando naman ni Vice Presidential bet Inday Sara na kaibigan niya si Eleazar. Kaya’t sa magkabilang grupo, accepted si Eleazar dahil ang magandang track record ang tanging puhunan niya. ‘Ika nga, neutral lang si Eleazar dito sa mahigpit na bangayan ng Pinklawan at UniTeam, di ba mga kosa? Kaya lang imbes na maging «balimbing» para gumanda ang tsansa niyang manalo, abaaaaa minabuti ni Eleazar na ipagpatuloy ang relasyon niya sa kanyang idol at commander-in-chief na si Independent presidential bet na si Ping Lacson.

Kapag pinalad s’ya sa Senado, gagayahin ni Eleazar ang anti-corruption stand ni Lacson kaya lang isasakatuparan din n’ya ang mga pangako n’ya noong panahon ng kampanya. Dipugaaaaa! Kaya mga kosa, biiugan ang No. 23 sa inyong balota dahil excited na si Eleazar na pagsilbihan kayo. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! 

Walang political machinery si Eleazar at bilang sa daliri ang nagbigay ng financial support sa kanya. . At dahil wala siyang utang na loob kahit kanino, puro trabaho lang ang aatupagin ni Eleazar kapag nasa Senado na siya. Kaya mga kosa, isama sa listahan n’yo si Eleazar. Abangan!

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with