^

Punto Mo

Hotel sa Japan, idinemanda ang kanilang guest na nagluto ng alimasag gamit ang pakuluan ng tubig!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINAG-UUSAPAN ng netizens sa Japan ang tungkol sa legal dispute sa pagitan ng isang hotel at kanilang guest dahil ginamit nito ang electric kettle ng hotel room na lutuan ng alimasag!

Sinisingil ng hindi ­pinangalanang hotel ng halagang 40,000 yen ang isa sa naging guest nila bilang danyos sa iniwang malansang amoy nito sa hotel room.

Ayon sa hotel, ilang araw ang ginugol nila para maalis nang tuluyan ang amoy ng alimasag sa inupahang hotel room. Dahil dito, hindi nila ito napagamit sa ibang guests kaya ikinalugi ito ng kanilang hotel.

Tumangging magbayad ang guest dahil hindi siya naniniwala na ikinalugi ng hotel ang kanyang ginawa.

Upang matapos na ang demandahan, ibinaba ng hotel sa halagang 22,000 yen ang hinihingi nilang compensation. Tumanggi pa ring magbayad ang guest at pinaninindigan niya na wala siyang ginawang kasalanan dahil wala naman daw nagsabi sa kanya na ipinagbabawal ang pagluluto ng alimasag sa hotel room.

Sa kasalukuyan, wala pang napagkakasunduan ang ­magkabilang panig.

WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with