^

Punto Mo

Final stretch ng kampanya, trapik asahan na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Limang araw na lang tapos na ang campaign period sa darating na Sabado (May 7) at  halalan na sa Lunes, eto at ngayon nga’y nakatutok na ang mga kinauukulan sa mga isasagawang mga malalaking campaign rallies o meeting de avance ng mga  kandidato.

Partikular ito sa Metro Manila, kung saan anumang mga araw magsasagawa ng mga meeting­ de avance ng mga kandidato.  Hindi lang ang mga tumatakbo sa nasyunal na position kundi maging sa local.

Baka nga kasi, may araw na magkakasabay-sabay pa ang mga ‘yan.

Ang meeting de avance ang pinaghahandaan ngayon ng mga kampo ng mga kandidato na dito asahan na ang pagdagsa ng kanilang mga supporters. Pakitaan na ‘yan ng puwersa sa mga huling araw ng kampanya.

Kung saan mang lugar isasagawa ang campaign rally asahang lilikha yan ng matinding trapik.

Eh paano na lalo kung hindi lang isang kampo,  pwedeng magkasabay sa isang araw sa mga malalapit na lugar lalo nang tutukod ang trapiko.

Malamang-lamang may ilan  pang kalsada ang tuluyan nang isara sa mga aktibidad na ‘yan.

Sana ay maaga pa lamang ay mailatag na ang pagsasaayos kung magpapatupad ng mga re-routing­ sa mga sasakyan at agad itong maiparating sa ating mga kababayan.

Maaga sanang maabisuhan ang commuters at motorista  para hindi na sila lubhang maabala

Hindi lang ang pagsasayos sa daloy ng trapiko ang dapat na matutukan sa gaganaping mga malalaking campaign rally. Maging ang mga seguridad din sa lahat ng mga lalahok, maging ano mang ka.

Kadalasang sinasamantala rin ang ganyang mga okasyon ng mga kawatan para sila makasalakay.

Ilang araw na lang naman, matatapos din yan pero huwag naman sanang mangyari ang ikinatatakot ng mga eksperto na maging super spreader ng COVID-19 ang nalalapit na halalan sa bansa.

2022 ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with