^

Punto Mo

Puwede bang mag-back out sa kontrata?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede pa po ba akong mag-back out sa pinirmahan kong contract to sell? Wala na  po kasi akong maipapambayad sa buwanang hulog ko. —Danny

Dear Danny,

Hindi basta-basta ang pag­pasok sa isang kontrata dahil nagsisilbi itong batas para sa mga partido nito. Dahil katumbas ng batas ang isang kontrata, kaila­ngang sundin ito at tuparin ng mga partido ang kani-kanilang mga obligasyon nang naayon sa kung ano ang kanilang mga napagkasunduan.

Maari lamang mag-“back out” sa isang kontrata kung ang ibang partido ang hindi sumunod sa napagkasunduan, base sa Article 1193 ng Civil Code. Tinatawag itong “rescission” na remedyo na magagamit lamang kapag ang ibang partido ang hindi tumupad sa kanilang obligasyon.

Ibig sabihin, maari ka lamang mag-“back out” sa kontrata kung hindi ikaw ang may sala at ang ibang partido ang hindi sumunod sa kung anong obligasyon nila ayon sa kontrata.

Base sa tanong mo ay mukhang ikaw ang hindi tumupad o makakatupad ng iyong obligasyon dahil ayon sa iyo ay hindi ka na makakapagbayad ng iyong buwanang hulog. Dahil dito, hindi maaring ikaw ang umatras sa kontrata samantalang maari itong gawin ng kabilang partido bukod pa sa paghingi nila ng danyos o damages  bunsod ng hindi mo pagtupad sa napag­kasunduan.

Ang maari mong gawin ay pakiusapan ang kakontrata mo na kung maari ay gaanan ang hulog mo buwan-buwan nang kahit papaano ay matupad mo pa rin ang obligasyon mo na magbayad at nang pareho n’yong maiwasan ang gastos na dala ng demandahan.

CONTRACT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with