^

Punto Mo

Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto, itinaas ang ­kamay ni Eleazar!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NASA high spirits si senatorial aspirant ex-PNP chief ­Guillermo Eleazar sa tsansa n’ya sa Mayo 9 bunga sa samu’t-saring suporta ng mga local government units (LGUs) sa kandidatura n’ya. Sa kanyang pag-iikot sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, sinisikap ni Eleazar na makahalubilo ang mga LGUs dahil sila talaga ang nakakaalam ng mga problema ng mga Pinoy na maaring ipaglaban n’ya sa Senado kapag palarin s’ya. Kaya kapag nasa probinsiya siya, matic na nagco-courtesy call si Eleazar sa mga LGUs. Kapos sa logistics si Eleazar, lalo na sa air assets, kaya’t ang commercial flights o land travel ang ginagamit niya para marating ang mga destinasyon n’ya para mangampanya.

Inamin ni Eleazar na marami pang lugar sa Pinas ang hindi n’ya napuntahan, lalo na sa mga laylayan, kaya humihingi s’ya ng paumanhin sa mga botante doon at nangakong babawi kapag nanalo s’ya. Inamin ni Eleazar na hapit na hapit ang laban n’ya sa darating na May 9 dahil mga “mabibigat na pangalan” sa pulitika ang mga katunggali n’ya. Kung itong mga sikat na pulitiko ay namamahinga na sa linggong ito bunga sa tingin nila ay “in the bag” na ang panalo nila, si Eleazar naman ay patuloy pa ding maglilibot para lalong ibando ang plataporma n’ya. Mismooooo! Hak hak hak! Sa sipag na ito ni Eleazar sa panahon ng kampanya, t’yak doble sipag s’ya kapag sa Senado na s’ya. Dipugaaaaa! Tumpak!

Malaki naman ang tiwala nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa kakayahan ni Eleazar kaya’t itinaas nila ang kamay n’ya sabay hikayat sa mga supporters nila na iboto ito sa darating na Lunes. Si Eleazar ay naging hepe ng Quezon City Police District (QCPD) at nasaksihan ni Mayor Belmonte ang kasipagan n’ya sa pakikibaka laban sa droga at kriminal. Kaya’t naniniwala sina Mayor Belmonte at Vice Mayor Sotto sa kapabilidad ni Eleazar na maging realidad ang mga pangako n’ya kapag nasa Senado na siya.

“Nagpapasalamat tayo sa suporta at tiwalang ibinigay sa atin ni Mayor Joy at Vice Mayor Gian para sa darating na halalan. Hindi ko sasayangin ang kumpiyansang ibinigay nila sa akin na kaya kong maglingkod bilang isang senador ng ating bayan,” ani Eleazar. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosa? Mismooooo!

Itong Quezon City mga kosa ay masabi nating kasama sa vote-rich na lugar sa Metro Manila dahil pinakamalaki ang area nito. At inamin naman ni Eleazar na malapit ang puso’t isipan n’ya sa Quezon City dahil naging QCPD chief s’ya at giniyahan n’yang maigi ang peace and order ng siyudad. Dito sa QCPD kasi nagsimula si Eleazar na magpakita ng kanyang pagiging disciplinarian at nasaksihang personal ito ni Mayor Belmonte dahil maraming bases silang magkasama sa pakikipag-dialogue sa komunidad sa aspeto ng peace and order. Dipugaaaaa!

“Hindi ko nakakalimutan ang dedikasyon at pagtulong, kahit noon pa man ni Mayor Joy, sa aking kampo. Naramdaman ko ulit ang dedikasyong ito dahil sa patuloy niyang pagtitiwala sa akin,” ani Eleazar. Kung sabagay, hindi lang sa Quezon City popular itong si Eleazar kundi maging sa 15 pang siyudad at munisipalidad sa Metro Manila dahil napaglingkuran n’ya ang mga ito noong NCRPO chief pa s’ya. Nilibot na ni Eleazar ang Metro Manila at ang vote-rich na mga probinsiya ng Region 4-A at Central Luzon kung saan mainit ang suporta sa kanya. Abangan!

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with