^

Punto Mo

Free ride pa sa MRT-3, samantalahin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

EXTENDED sa loob  uli ng isang buwan ang libreng sakay sa Metro Rail Transit (MRT) 3.

Ito ang napagkasunduan  ng pamunuan ng MRT-3 at Department of Transportation na palawigin  pa nga ang pagkakaloob ng libreng sakay para sa mga train commuters.

Bukas dapat magtatapos ang unang isang buwang libreng sakay, pero napagpasyahan nga na palawigin pa ito para matulungan ang mga pasahero na karamihan nga ay  nagbabalik sa kanilang onsite na trabaho.

Ang laking bagay nito,  sa daan-daang libong  commuters araw-araw.

Napakaganda talaga ng programang ito ng pamahalaan dahil talagang maraming Pinoy ang nakikinabang.

Malaki ang natitipid ng marami na gagamit nila sa ibang mahalagang pagkakagastusan.

Malaki rin ang naging pagbabago sa MRT, kung dati-rati laging nararanasan ang aberya rito, ngayon tuluy-tuloy ang magaan na biyahe sa tren.

Mismong si MRT-3 OIC-General Manager at Director for Operations Michael J. Capati ang nag-aanyaya sa mga pasahero na samantalahin at patuloy na tangkilikin ang programang libreng sakay ng rail line.

Layon ng extension ng free ride na makapaghatid ng tulong sa mga pasaherong apektado sa pagtaas ng presyo ng bilihin at petrolyo.

Isa ang programang ito sa hindi makakalimutan ng maraming Pinoy sa ­administrasyon ni Pangulong Digong bukod pa sa Build, Build , Build program kung saan marami ang nakinabang at naseserbisyuhan.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with