^

Punto Mo

Lalaki na 84 years nang empleyado ng isang kompanya, nakatanggap ng Guinness World Record title!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKATANGGAP ng Guinness World Record Title ang isang 100-anyos na lalaki sa Brazil dahil 84 years na siyang empleyado ng isang kompanya!

Kinse anyos lamang si Walter Orthman noong 1938 nang pumasok siya sa textile company na Industrias Renaux S.A. bilang assistant sa shipping department. Dahil sa pagiging masipag at matiyaga, na-promote siya bilang administrative assistant at kalaunan ay naging sales manager na pinapadala ng kompanya sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Noong nakaraang Pebrero 2022, si Orthman ay officially inducted na sa Guinness Book of Records sa titulong “longest Career in the same company”. Nitong Abril 19, 2022, nagdiwang siya ng ika-100th birthday at wala pa siyang balak magretiro sa kompanya.

Sa isang panayam, tinanong si Orthman kung ano ang pagkakaiba ng pagtatrabaho noong 1938 kumpara sa ngayon, ang sagot niya ay mas madali ngayon dahil sa teknolohiya. Nagpapasalamat siya sa modern technology dahil hindi na niya ­kailangang mag-travel ng malayo para lamang sa isang meeting dahil puwede na itong isagawa online.

Nang hiningan si Orthman ng payo kung paano tumagal sa trabaho, ang ilan sa mga tips niya ay: iwasang magalit, iwasang magkaroon ng kaaway, matutong humingi ng tawad at tawanan ang problema.

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with