^

Punto Mo

Tamang panahon para magpabakuna!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HINDI dapat balewalain ang mga paalala at babala ng mga eksperto at mga awtoridad sa posibleng pag-alagwa na naman ng kaso ng COVID.

Nakakatakot ang babala ng OCTA Research Group na posibleng makapagtala ng limang libo hanggang sampung libong mga bagong kaso ng COVID kada araw  dahil sa pagsusulputan  ng mga bagong variants.

Sangkatertba ang naitatalang mga sub-variants partikular ng  Omicron na siya ngayong nakikitang sanhi nang pagtaas ng mga kaso sa iba’t ibang bansa.

Eto nga’t may report na pinangangambahan na nakapasok na sa bansa ang sub-variant ng Omicron na BA 2.12 at dito ngayon nakatutok ang DOH.

Ito raw kasi ang taglay ng isang 52-anyos babae na mula sa Finland at  nagsagawa ng pagle-lecture sa isang paaralan sa Baguio City. Bagama’t gumaling na umano ito at nakabalik na sa kanyang bansa, hindi malayong ang naging close contact nito lalo na ang walang proteksyon ang posibleng nahawaan.

Itinuturing ang sub-variant na ito na ‘highly-transmittable mutation’ at ilang bansa na ang nakapagtala nang pataas sa ganitong kaso.

Nangangamba ang mga eksperto, lalo na nga’t  mataas pa rin ang bilang ng mga ‘fully vaccinated’ sa bansa   ang wala pang booster shot.

Mataas ang booster shot hesitancy sa bansa partiklular sa Mindanao na may 21%, labinglimang porsiyento naman sa Visayas at at 9 porsiyento sa Luzon at 7 % sa Metro Manila.

Sa ginawang survey, marami talaga ang naninindigan na ayaw na nilang magpabakuna,  kaya may malaking tiyansa na muling bumilis ang hawaan.

Kung tumigil na hanggang ikalawang dose ng vaccine na tumagal na ng may ilang buwan, bumababa o nababawasan  na ang panlaban ng kawatan sa virus. Resulta hawaan na naman.

Kaya nga marami ang hindi nagamit at nae-expired na bakuna eh dahil nga marami ang ayaw nang magpabakuna.

Isa pa sa ikanababahala ng mga eksperto, eh ang mataas na porsiyento nang paglabag sa health protocols partikular sa mass gatherings.

Nasa 5,000% ang naitalang mga paglabag sa ipinatutupad na panuntunan ukol dito.

May kinalaman naman ito sa mga aktibidad, kampanyahan sa parating  na halalan.

Ito na marahil ang tamang panahon para magpabakuna.

Wait na lang natin pagkatapos ng eleksyon, baka muling bumenta ang mga nakaimbak na bakuna dahil na naman sa inaasahang pagtaas ng kaso ng COVID, na ‘wag naman sanang mangyari pa.

Tiyak dyan na naman magmamadalian magpabakuna ang mga Pinoy, na talaga namang mahilig sa apurahan at siksikan.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with