^

Punto Mo

Kailangan pa ba ang pirma ng asawa para sa annulment?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kailangan po ba ng pirma ng asawa para mapawalang-bisa ang kasal? Balak ko na kasing magsampa para sa annulment pero sa tingin ko ay walang magiging kooperasyon mula sa aking asawa kaya gusto kong malaman kung kailangan ba ng pirma niya upang hindi masayang ang gagastusin ko sa abogado. —Hanna

Dear Hanna,

Hindi mo dapat ipag-alala ang kooperasyon ng iyong asawa dahil wala ka namang kailangang papirmahan sa kanya kapag ikaw ay nagsampa ng annulment sa korte.

Sa katunayan nga, hindi pagbibigyan ng korte ang hiling mong mapawalang-bisa ang inyong kasal kapag nalamang may kooperasyon sa pagitan ninyong dalawa. Kapag naisampa na kasi ang petisyon para sa annulment, aatasan ng korte ang piskal na imbestigahan kung may “collusion” o kutsabahan ba sa pagitan ninyong mag-asawa. Aalamin ng piskal kung nagkasundo lang ba kayong dalawa na maghiwalay at wala naman talagang legal na dahilan upang ipawalang bisa ang inyong kasal.

Kung mabisto ng piskal na may kasunduan kayo katulad ng sinasabi mong pirmahan sa pagitan ninyong dalawa ay magiging dahilan ito para sa agarang dismissal o pagkabasura ng iyong petisyon para sa annulment.

Kaya mas mabuti na ngang walang kahit anong kooperasyon mula sa asawa mo ukol sa plano mong isampang kaso para sa pagpapawalang bisa ng inyong kasal. Papadalhan naman siya ng summons ng korte upang marinig ang kanyang panig at upang masiguro ang partisipasyon niya sa mga pagdinig ng inyong kaso.

Sa halip na kooperasyon ng iyong asawa ay ang pagkakaroon ng legal na basehan para sa pagpapawalang-bisa ng inyong kasal ang dapat mong problemahin. Ito lang ang tanging mahalaga sa paningin ng batas kaya bago pa maisampa ang kaso ay kailangan mong siguraduhing mayroon ka ng sapat na ebidensiya para patunayan ang anumang legal na basehang mayroon ka para sabihing walang bisa o maaring mapawalang-bisa ang inyong kasal.

ANNULMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with