^

Punto Mo

Napilitang mag-resign dahil sa employer, maari bang magreklamo?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Napilitan na po akong mag-resign dahil hindi ko na po kayang tiisin ang hindi magandang pakikitungo sa akin ng aking employer. Puwede pa ba akong magreklamo para sa hindi maayos na pagtrato sa akin kahit na ako’y nag-resign at hindi naman tinanggal?—Lanie

Dear Lanie,

Ang pagre-resign ay maaring voluntary o involuntary. Walang isyu kung voluntary at bukal sa loob ng empleyado ang pagbibitiw pero kung ang resignation ay involuntary, maaring maharap sa reklamo ang employer.

Tinatawag din na constructive dismissal ang involuntary resignation at ayon sa Gan v. Galderma Philippines Inc. et al. [701 Phil. 612 (2013)] may constructive dismissal kung napilitang magbitiw ang empleyado dahil sa malinaw na diskriminasyon o kalupitan ng employer, o dahil sa hindi kaaya-ayang kondisyon sa trabaho na dulot rin ng employer.

Kaya kung napilitan ka lang sa pag-alis sa trabaho at ang tanging dahilan ng iyong pagre-resign ay ang hindi naging pagtrato sa iyo ng iyong employer, maari kang magreklamo para sa constructive dismissal mo. Iyon nga lang, kailangang malinaw na maipakita na hindi boluntaryo ang naging resignation mo.

Sa kaso ng Panasonic v. Peckson (G.R. No. 206316, March 20, 2019), kinatigan ng Korte Suprema ang employer matapos itong ireklamo ng dati nitong empleyado ng constructive dismissal. Ayon sa Korte Suprema, hindi kakikitaan ng muhi o galit ang mga resignation letters ng empleyado at ang mga aksyon niya matapos niyang magresign, katulad ng pagbibigay niya ng iba’t ibang dahilan sa kanyang pagbibitiw nang siya ay tanungin sa kanyang exit interview, ay nagpapakita na hindi talaga siya napilitang mag-resign.

Kaya kung magrereklamo ka para sa constructive dismissal, siguraduhin mong may sapat kang ebidensya para mapatunayan na ikaw ay napilitan lamang na mag-resign dahil sa mga aksyon ng employer mo.

EMPLOYEE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with