^

Punto Mo

Lalaki na may pinakamatabang dila sa mundo, nakatanggap ng Guinness World Record title!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa United States ang nakatanggap ng Guinness World Record matapos sukatin ang kanyang dila at may circumference ito na 4.8 inches!

Na-realize ni Dante Barnes ng Battle Creek, Michigan na kakaiba ang kanyang dila nang may napanood siya sa Youtube na nagsusukat ng kanilang dila. Nang sinukat niya ang kanya, nakita niya na hindi pangkaraniwan ang laki nito.

Dahil dito, nag-post siya ng sariling video kung saan sinusukat niya ang sariling dila at nakakuha ito ng 63 million views.

Ayon sa official adjucator ng Guinness, ang circumference ng dila ni Barnes ay 4.8 inches. Ang laki ng kanyang dila ay maihahambing sa bola ng pingpong!

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with