^

Punto Mo

Pagbibigay ng monthly allowance, maari bang ihinto ng employer?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede bang basta-basta alisin ang monthly allowance na natatanggap ng isang empleyado? Para raw kasi makatipid ang kompanyang pinapasukan ko ay aalisin na raw ang ilan sa mga monthly allowance­ na natatanggap namin. Ito raw ay para maiwasan na tuluyan ng malugi at magsara ang kompanya. —Jet

Dear Jet,

Hindi maaring basta-basta ihinto ang pagbibigay ng monthly allowance­ kung ito ay nakalagay sa iyong employment contract dahil magiging pag­labag ito sa iyong terms of employment at ng inyong napagkasunduan bilang employer at employee.

Kung wala naman sa iyong kontrata ang nasabing pagbibigay ng allowance­, hindi rin ito basta-basta maaring ihinto kung ito ay isang polisiya na ng inyong kompanya o kung ito ay matagal ng ginagawa.

Sa ganyang pagkakataon kasi ay masasabing diminution of benefits ang paghinto sa pagbibigay ng allowance, na labag sa Article 100 ng Labor­ Code. Ang nasabing probisyon ay nagbabawal sa pagbabawas o tuluyang pagtanggal sa mga benepisyong kasalukuyan ng natatanggap ng mga empleyado.

Kung sakaling ang mga nabanggit ay angkop sa sitwasyon mo at itinuloy­ na nga ng iyong kompanya ang paghinto sa pagbibigay ng allowance­, maari kang magsampa ng kaukulang reklamo sa National Labor Relations Commission upang maprotektahan ang iyong karapatan bilang empleyado­.

ALLOWANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with