^

Punto Mo

Empleyadong naka leave, kailangan bang bayaran ng holiday pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Maari ko po bang hindi bayaran ng holiday pay para ngayong Holy Week ang empleyado kong matagal nang naka-leave?—Maan

Dear Maan,

Hindi mo nabanggit kung naka-leave with pay ba ang empleyadong tinutukoy mo.

Ayon sa Rule III, Book IV ng Omnibus Rules Implementing the Labor Code, maaring hindi bayaran ng holiday pay ang empleyado kung sila ay naka-leave without pay o umabsent ng walang bayad sa araw bago ang nasabing holiday. Kung ang empleyado naman ay naka-leave with pay o ang pagliban niya ay bayad sa araw bago ang pista opisyal, bayad pa rin siya ng kanyang regular na arawang sahod kahit hindi siya pumasok sa araw ng holiday.

Paano naman kung magkasunod ang dalawang holidays katulad ngayong Huwebes at Biyernes Santo? Bayad ang parehong holidays kung pumasok ang empleyado ng Miyerkules Santo o kung siya ay naka-leave with pay sa araw na iyon. Kung ang empleyado naman ay absent ng walang bayad o naka leave without pay sa Miyerkules Santo ay maaring hindi siya bayaran para sa dalawang magkasunod na holidays, bukod nalang kung pumasok siya sa trabaho ng Huwebes Santo. Sa ganyang sitwasyon ay kailangan na siyang bayaran ng holiday pay sa Biyernes Santo kahit pa siya’y umabsent sa araw na iyon.

HOLIDAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with