^

Punto Mo

Kabayo sa India, isinakay sa train na siksikan ang mga pasahero!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINAG-UUSAPAN ng mga Indian netizens kamakailan ang kabayo na isinakay sa isang siksikang commuter train sa India!

Unang nag-viral ang litrato ng isang kabayo na napapaligiran ng mga pasahero ng isang local train sa West Bengal, India.

Maraming nagduda na edited lamang litrato at maging ang pamunuan ng Eastern Railways ay hindi makapaniwala na may kabayo na nakasakay sa kanilang train.

Ngunit nang sumunod na mga araw, naglabasan na sa social media ang mga video na nagpapatunay na totoong may isinakay na kabayo sa train. Nakunan ang litrato at video sa Sealdah-Diamond Harbour Down.

 Ayon sa mga pasaherong nakasakay ang kabayo, pinagsabihan na nila ang may-ari nito na huwag isakay ang kanyang alaga dahil sobrang siksikan na sa loob ng train subalit hindi umano sila nito pinansin.

Napag-alaman na ang kabayo ay kagagaling lang sa karera at ayaw ng may-ari nito na mapagod ang kanyang kabayo sa pag-uwi!

Ayon sa tagapagsalita ng Eastern Railways, hindi sila aware sa pangyayaring ito at maglulunsad sila ng imbestigasyon kung paano napahintulutan na isakay ang kabayo sa pampasaherong local train.

INDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with