^

Punto Mo

Lalaking may pinakamahabang dila sa mundo, matatagpuan sa India!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

AYON sa Limca Book of Records, ang 21-anyos na si K Praveen ng Tamil Nadu ang maaaring nagmamay-ari ng may pinakamahabang dila sa buong mundo sa sukat na 4.2 inches!

Kilala sa kanilang bayan sa Virudhunagar si Praveen dahil sa mahaba niyang dila. Madalas niyang ipakita sa mga kaibigan at kamag-anak na kaya niyang dilaan ang dulo ng kanyang ilong, madali lang din sa kanya na dilaan ang kanyang siko.

May pag-aaral na isi­nagawa noon ang orthodontics department sa University of Edinburgh at natuklasan nila na ang pangkaraniwang haba ng dila ng isang tao ay 3.3 inches. Kung pagbabasehan ang research na ito, mas mahaba ng 1 inch ang dila ni K Praveen at maaaring siya ang may pinakamahabang dila sa buong mundo.

Ang kasalukuyang record holder ng “World’s Longest Tongue” sa Guinness Book of World Records ay si Nick Stoeberl ng U.S. Ang kanyang dila ay may habang 3.9 inches.

Gustuhin man ni Praveen na kilalanin siya ng Guinness bilang may pinakamahabang dila, hindi niya kaya ang gastusin para mag-imbita ng Guinness World Record official adjudicator para sukatin ang kanyang dila. Dahil sa application fee pa lang, umaabot na ng $800 ang kailangang gastusin.

Sa kasalukuyan, kuntento na si Praveen na napabilang siya sa Limca Book of Records, ang Indian counterpart ng Guinness World Records.

 

INDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with