^

Punto Mo

Misteryosong nilalang na hinihinalang alien, natagpuan sa Sydney, Australia!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG maliit na nila­lang na natagpuan sa Sydney, Australia ang palaisipan ngayon sa mga biologists, academics at netizens dahil sa kakaiba at misteryosong anyo nito!

Noong umaga ng Marso 2, 2022, nagja-jogging sa Marrickville suburbs si Harry Hayes nang may napansin siyang maliit na hayop na nakahandusay sa kalsada. Dahil sa kakaiba nitong anyo, kinunan niya ito ng video para i-post sa kanyang Instagram account.

Dahil maraming na-curious sa kanyang video, ilan sa mga nakapanood ay nire-repost at ikinalat ito sa ibang social media websites tulad ng Twitter at Facebook na naging dahilan para mag-viral at pag-usapan ito nang marami.

Makikita sa nasabing vi­deo na sinundot-sundot ito ni Hayes gamit ang stick upang makita kung magkakaroon ng reaction ang nilalang ngunit hindi ito kumibo at marahil ay patay na.

Ayon sa panayam kay Hayes, una niyang hinala ay embryo ito ng isang sea animal na dala nang malakas na pag-ulan at flash flood sa Sydney noong Marso 1. Pero may hinala rin si Hayes na isa itong alien. Nang tinanong kung bakit sa tingin niya ay isa itong alien, ang sagot ni Hayes ay sa sobrang daming kaguluhan na nangyayari sa mundo tulad ng COVID-19 pandemic at giyera sa Ukraine, hindi na imposible na sakupin na rin tayo ng mga alien.

Nakaabot sa mga siyentipiko at propesor ng mga sikat na unibersidad sa Australia ang video at hanggang sa ngayon, wala sa kanila ang makapagbigay ng malinaw na sagot kung ano ang nilalang na ito.

 

AUSTRALIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with