^

Punto Mo

Pinakamahabang kotse sa mundo, may swimming pool sa loob!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKATANGGAP muli ng Guinness World Record title bilang “World’s Longest Car” ang isang restored limousine sa U.S. dahil sa haba nito na 100 feet and 1.5 inches!

Tinawag na “American Dream”, ginawa ito noong 1986 ng car customizer na si Jay Ohrberg. Nang taong iyon, hinirang itong “World’s Longest Car” sa habang 60 feet.

Sa sobrang haba nito, ilan sa mga features ng American Dream ay helipad, swimming pool, hot tub at isang water bed.

Madalas itong rentahan ng mga film production studios para lumabas sa mga Hollywood movies  ngunit nang naging matumal ang pagrenta dito, itinago muna ito sa isang warehouse kung saan kinalawang na ang mga bahagi nito.

Noong 2019, binili ito ni Michael Dezer sa ebay at ipina-restore niya ito upang lalong humaba. Ngayong 2022, sa haba nito na 100 feet and 1.5 inches, natalo nito ang sariling previous Guinness World Record noong 1986. 

Sa kasalukuyan, matatagpuan ang American Dream limousine sa Dezerland Park Car Museum sa Orlando, Florida.

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with