^

Punto Mo

Bata sa India, nakapagtala ng bagong Guinness World Record habang nagso-solve ng rubik’s cube sa bisikleta!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Rubik’s cube enthusiast sa India ang nakatanggap ng Guinness World record title dahil sa bilis niyang makapag-solve ng Rubik’s cube habang nagbibisikleta!

Ayon sa 12-anyos na si Jayadharshan Venkatesan, dalawang taon siyang nag-ensayo para sa record breaking attempt na ito.

Sa loob lamang ng 14.31 seconds, natapos niyang i-solve ang Rubik’s cube at dahil dito, pinarangalan siya ng Guinness World Record sa kategoryang: “Fastest time to solve a rotating puzzle cube on a bicycle”.

Bukod dito, kaya rin niyang mag-solve ng 60 pirasong Rubik’s cube gamit lamang ang isang kamay sa loob lamang ng 30 minuto. Ang kakayahan niyang ito ang nakapagbigay naman sa kanya ng title sa Asia Book of Records noong 2021.

INDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with