^

Punto Mo

Lalaki sa australia na nakabalanse ng M&M’s, nakatanggap ng Guinness World Record title

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAHIGITAN ng serial Guinness World Record-breaker mula Australia ang sarili niyang record matapos balansehin ang anim na magkakapatong na M&M’s.

Noong 2020, naka­yang balansehin ni Brendan Kelbie ang apat na magkakapatong na M&M’s ngunit agad nasungkit mula sa kanya ang titulo nina Will Cutbill at Rocco Mercurio nang makapagbalanse ang mga ito ng limang pirasong M&M’s.

Sa determinasyon na mabawi ang titulo, sinubukan ni Kelbie na balansehin ang anim na piraso nito at napagtagumpayan niya itong pagpatung-patungin nang hindi natutumba sa loob ng 10 segundo.

Suki na ng Guinness World Records si Kelbie dahil bukod sa pagbabalanse ng kendi, nakatanggap na rin siya ng titulo sa mga kategoryang: most drumstick flips in 1 minute (98), longest duration spinning a basketball on a pair of spectacles (29.67 seconds), tallest tower of dice stacked on the back of the hand in 30 seconds while blindfolded (13), most dice stacked into a tower in 30 seconds while blindfolded (20) and longest duration spinning a basketball on the nose (9.57 seconds).

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with