^

Punto Mo

Kahon na may laman na mga ulo ng tao, ninakaw sa Denver, Colorado!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kahon na naglalaman ng mga pugot na ulo ng tao ang ninakaw sa nakaparadang freight company truck sa Denver, Colorado, U.S.A.

Ayon sa ulat ng CBS Denver, nilooban ang deli­very truck habang nakaparada ito sa East Denver Central Park noong nakaraang Huwebes (Marso 3).

Inakala ng mga awtoridad na isa lamang petty theft ang pangyayari ngunit nang malaman nila na mga ulo ang laman ng ninakaw na kahon, naglunsad na sila nang malawakang imbestigasyon.

Napag-alaman na ang ninakaw na kahon ay may malaking label na nagsasabing “Exempt Human Specimen” na ang ibig sabihin ay gagamitin sa medical research ang nilalamang human body parts nito. Dahil dito, may haka-haka ang mga awtoridad na ang kahon talaga ang pakay ng mga magnanakaw.

Sa kasalukuyan, wala pang naaaresto sa kasong ito at patuloy pa sa pag-iimbestiga ang mga awtoridad  upang mahuli ang mga magnanakaw at ma-recover ang mga ninakaw na ulo.

 

DENVER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with