^

Punto Mo

Nakaaaliw na kasimplehan ng mga bilyonaryo

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Ang Facebook founder na si  Mark Zuckerberg ay madalas pa rin kumain sa pangmasang hamburger restaurant. Simpleng  t-shirt at hoodie ang kanyang isinusuot sa trabaho araw-araw. Net worth: 74.5 billion USD (2022)

2. Ang Google cofounder na si Sergey Brin ay namimili sa supermarket na kilalang may murang bilihin. Hindi raw siya kuripot, wise lang daw siya sa paggastos. Magkaganoon pa man, bongga siyang magkawanggawa. Nagbigay siya sa charities ng $219 million noong 2013. Net worth:  110.2 billion USD (2022)

3. Para kay Google investor David Cheriton ang pagbili ng Honda Odyssey sa halagang $33,000 noong 2012 ay pang-i-spoiled na sa kanyang sarili. Ito ay sa kabila ng kanyang net worth na 11.1 billion USD (2022)

4. Si Carlos Slim Helú, chairman and CEO of Telmex at América Móvil, ang pinakamalaking telecommunication companies sa Latin America, ay sa dating bahay pa rin niya nakatira. Hindi siya nagpapalit ng bahay sa loob ng 30 taon. Net worth: 81.2 billion USD (2022)

5. Heto ang “height” ng kasimplehan ng mga bilyonaryong ito: Ang Dish Network chairman na si Charlie Ergen ay nagbabaon ng kanyang lunch araw-araw. Ang Dish Network ay isang American direct-broadcast satellite service provider. Net worth: 9 billion USD (2022)

6. Sa McDonald’s madalas mag-order ng almusal si Warren Buffet. Kasi libre lang ang lahat ng oorderin niya. Coupon lang ang ibibigay niya dahil lifetime ang free meal niya dito. Ang kotseng ginagamit niya ay dekada na ang binibilang ngunit hindi pinapalitan. Chairman and CEO of Berkshire Hathaway.  Net worth: 117.1 billion USD (2022).

 Simplicity is the ultimate sophistication. — Leonardo da Vinci

 

 

 

 

MARK ZUCKERBERG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user