^

Punto Mo

Labasan na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ilang araw pa lamang matapos na isailalim sa Alert Level 1 ang Metro Manila at 38 pang lalawigan sa bansa, aba’y ramdam na ramdam na talaga ang pagdagsa ng mga tao sa iba’t-ibang lugar.

Mistulang nasabik talaga ang marami sa ipinatutupad na ‘new normal’.

Gayunman, mukhang ‘back to normal’ na rin ang lahat, maging ang matinding trapik sa mga pangunahing lansangan partikular sa kahabaan ng EDSA, feel na feel ang pagsisikip.

Ang mga sasakyan talagang kita ang pagdami sa lansangan.

Kaya nga pinag-aaralan nang ibalik o palawigin ang number coding dahil nga rito.

Bagama’t 100% na sitting capacity ng pasahero ang pinapayagan sa mga pampublikong transportasyon, bawal pa rin umano ang tayuan at mga sabit sa jeep. Hindi kailangan ang sobrang siksikan para maiwasan ang hawaan.

Ang mga pasahero sa mga paliparan, kapansin-pansin din ang pagdami.

Ganito rin ang naging tanawin sa mga pantalan.

Marahil ito na umano ang pinakahihintay ng marami ang makauwi sa kani-kanilang lalawigan at makapunta sa iba’t ibang lugar kung saan hindi na sila hahanapan ng kung anu-anong dokumento katulad ng dati.

Sumigla na rin ang mga negosyo.

Sa mga malls, pami-pamilya na ang makikitang nagtutungo at nagsa-shopping.

Ito na nga ang pinakahahangad nating ‘new normal’.

Bagong normal dahil may ilan pa rin ngang panuntunan ang hindi pa inaalis, partikular ang pagsusuot ng face mask.

Tandaan hindi dapat maging kampante, nandyan pa rin at may banta pa ang COVID.

Kung ayaw nating bumalik sa dating kalagayan, maging maingat kahit walang nagbabantay.

EDSA

NEW NORMAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user