^

Punto Mo

Medical student sa India, nagpa-implant ng bluetooth device sa loob ng taynga upang makapandaya sa exam!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG medical student sa India ang nahuling nandadaya sa kanyang graduation exam gamit ang maliit na Bluetooth device na itinanim sa loob ng kanyang taynga!

Noong nakaraang Pebrero 21, 78 medical students ng Mahatma Gandhi Medical College ang kumuha ng Bachelor of Medicine, Bachelor of Surgery final exam. Isa sa mga ito ay sobrang desperadong makapasa kaya nagpa-implant ng Bluetooth device sa loob ng kanyang taynga para gamitin sa pandaraya.

Gamit ang Bluetooth device, iko-connect niya ito sa  wirelessly sa kanyang cell phone at puwede na siyang tumawag sa isang kakilala na magdidikta sa kanya ng tamang sagot.

Dahil talamak ang pandaraya sa mga exam sa India, may itinalagang mga team ang bawat kolehiyo o unibersidad na nagsasagawa ng physical search tuwing may final exams.

Nahuli ang hindi pina­ngalanang medical student nang kapkapan ito at natuklasang may maliit na cell phone na nakatago sa secret pocket ng kanyang pantalon. Isinailalim sa interrogation ang estudyante at umamin na may Bluetooth device siya sa loob ng taynga na ipina-implant niya sa isang ENT surgeon.

Napag-alaman na 11 taon na sa medical school ang estudyante at ilang beses nang bumabagsak sa exam. Noong Pebrero, binigyan na siya ng warning ng unibersidad na last chance na niyang kumuha ng pagsusulit kaya pinili na nitong mandaya para pumasa.

Kinumpiska ang Bluetooth device ng ­estudyante at iniimbestigahan ng unibersidad kung may iba pang nagpa-implant ng ganitong klaseng cheating device.

INDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with