^

Punto Mo

Lalaki na kayang magbalanse ng 18 itlog sa likod ng kamay, nakatanggap ng Guinness World Record!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki mula sa Iraq ang naging Guinness World Record holder matapos niyang balansehin ang 18 itlog sa likod ng kanyang kamay!

Napantayan ng Iraqi na si Ibrahim Sadeq ang dami ng itlog na kayang balansehin ng previous record holder na si Jack Harris ng Britain kaya sa kasalukuyan ay co-holder na sila sa titulong “Most eggs balanced on back of hand”.

Ayon kay Sadeq, apat na araw sa ilang linggo siyang nag-eensayo para matutunan kung paano magbalanse ng itlog sa likod ng kanyang kamay nang hindi nahuhulog sa loob ng limang segundo.

Isa sa rules ng Guinness ay kailangang balansehin ang mga itlog nang hindi ito nahuhulog sa loob ng limang segundo.

Nagsimula ang interes ni Sadeq sa pagbabalanse ng mga bagay nang makapanood siya ng Youtubers na nagbabalanse ng mga bato. Dahil dito, naging hobby na niya ang pagbabalanse ng mga bagay sa kanyang paligid.

Nang tinanong si Sadeq kung ano ang kanyang sikreto sa pagbabalanse, sinabi niya na kailangang magkaroon nang mahabang pasensiya at matutong maging kalmado.

 

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with