^

Punto Mo

15-anyos na student sa U.S., tinaguriang pinakamatangkad na teenager sa mundo!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kinse anyos na lalaking high school student sa Florida na may height na 7’5 ang dineklara ng Guinness World Records na “Tallest Teenager in the World”!

Si Olivier Rioux ay ipinanganak sa Quebec, Canada at sa kasalukuyan ay nag-aaral sa Florida kung saan miyembro siya ng basketball team ng kanyang paaralan.

Sa panayam ng local news station na WFTS-TV kay  Rioux, naikuwento nito na nasa lahi nila ang pagiging matangkad. Ang height ng kanyang ina ay 6’2 samantalang ang kanyang ama naman ay 6’8.

Nagsimula siyang tumangkad noong siya’y 10-anyos at  bawat linggo ay pataas nang pataas ang kanyang height hanggang sa siya na ang pinakamatangkad sa lahat ng tao sa kanyang eskuwelahan!

Ayon sa basketball coach ni Rioux, bukod sa tangkad nito, kahanga-hanga ang galing nito sa basketball at isa siya sa dapat abangan na magiging basketball superstar sa NBA sa hinaharap.

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with