^

Punto Mo

Pinakamabigat na strawberry sa buong mundo, natagpuan sa Israel!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG strawberry farmer sa Israel ang nakatanggap ng parangal mula Guinness World Record matapos niyang sa anihin ang pinakamabigat strawberry sa buong mundo!

May timbang na 289 grams, natagpuan ang dambuhalang strawberry sa farm ni Chahi Ariel na matatagpuan sa Kadima-Zoran, Israel.

Noong Pebrero 2021 pa naani ang strawberry ngunit nito lamang February 12, 2022 kinumpirma at dineklara ito ng Guinness bilang “World’s Heaviest Strawberry”.

Ayon kay Ariel, ang kanyang record breaking na strawberry ay isang local variety sa Israel na ang tawag ay “Ilan”. Kilala ang variety na ito sa pagiging malaki at mabigat.

Dahil isang taon ang hinintay ni Ariel sa kumpirmasyon ng Guinness, kinailangang itago niya ang strawberry sa freezer at sa kasalukuyan, hindi na ito maaaring kainin.

Patuloy na itatago ni Ariel ang strawberry sa kanilang freezer bilang remembrance na napabilang sila sa Guinness Book of World Records.

 

WORLD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with