^

Punto Mo

9-anyos na bata sa India, pinakabatang yoga instructor sa buong mundo!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bata sa India ang ginawaran ng Guinness World Record matapos hirangin na youngest certified yoga instructor sa edad na siyam.

Ayon sa batang si Reyansh Surani, nagsimula siyang matutong mag-yoga noong siyang 4 years old.

Nagsimula ang kanyang journey sa pagiging yoga instructor nang malaman niya na nag-enroll sa yoga teacher’s training course ang kanyang mga magulang sa Anand Shekhar Yoga School.

Sinamahan niya ang kanyang mga magulang sa maikling kurso na ito dahil gusto niyang turuan ang kanyang mga kaibigan kung paano mag-yoga.

Nang maipasa  niya ang 200 hours na kurso, ­naging sertipikadong instructor si Surani at hinirang siya bilang pinakabatang yoga instructor ng Guinness World Record.

Sa kasalukuyan, kinuha si Surani bilang yoga instructor ng kanyang eskuwelahan para turuan ng basic yoga ang kanyang mga kaklase.

INDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with