^

Punto Mo

20 signs na pasulong ang iyong buhay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Hindi ka na madrama.

2. Hindi ka na nahihiyang humingi ng tulong sa ibang tao.

3. Iniiwasan mo na ang “energy vampires”, ‘yun bang mga taong nagdudulot sa iyo ng negative vibes.

4. Minamahal mo na ang iyong sarili ngayon kaya nilalayuan mo at kinakalimutan  ang mga bagay o tao na nagdudulot lang sa iyo ng lungkot at problema.

5. Nagagandahan ka sa iyong sarili kahit nanay mo lang ang naniniwala sa iyong beauty. Pinaniniwalaan mong may talino kang taglay kahit hindi ka naging honor students kahit kailan.

6. Naniniwala kang ang kabiguan ay bahagi ng pag-unlad ng iyong pagkatao.

7. May mga taong sumusuporta sa iyo sa lahat ng sandali—sa oras ng kabiguan o tagumpay.

8. Hindi ka na reklamador.

9. Tunay na ikinatutuwa mo ang tagumpay ng iyong mga kaibigan.

10. Abala ka sa pagpapaunlad ng iyong skills.

11. Araw-araw ay excited ka dahil hinihintay mong matupad ang iyong wish.

12. Dahil minsan, isa sa mga wishes mo ay natupad.

13. May malasakit ka sa ibang tao at ipinapakita mo ito sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan.

14. Bukas ang iyong puso na magmahal muli kahit minsan ka nang nabigo.

15. Hindi ka na pumapayag na maging biktima. Fighter ka na ngayon!

16. Wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

17. Masaya ang pakiramdam mo tuwing gigising sa umaga.

18. Tanggap mo ang mga bagay na wala ka nang magagawa.

19. Pero gumagawa ka nang paraan na mabago ang mga bagay na puwede pang mapabuti.

20.Kuntento ka sa kung anong mayroon ka sa kasalukuyan.

 

HOUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with