^

Punto Mo

Lalaki sa Yemen na kayang balansehin ang apat na magkakapatong na itlog, nakatanggap ng Guinness World Record!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Yemen ang nahigitan ang sariling world record matapos mabalanse ang apat na itlog na magkakapatong!

Noong 2020, tinawag na “King of Balancing” sa social media si Mohammed Muqbel nang mabalanse niya ang tatlong itlog. Dahil dito nakatanggap siya ng Guinness world record title na “Balancing the Largest Stack of Eggs”.

Noong nakaraang Disyembre 2021, nagtagumpay siyang muli nang mahigitan niya ang sariling world record nang pagpatung-patungin niya ang apat na itlog at balansehin sa loob ng limang segundo.

Nang tinanong kung paano niya nababalanse ang mga itlog, sinabi niya dapat may matinding konsentrasyon at pasensiya dahil kailangang ma-identify ang center of gravity ng bawat itlog para mabalanse ito nang tama.

Anim na taong gulang nang matuklasan ni Muqbel ang kanyang talento at hindi lamang itlog ang kaya niyang balansehin dahil halos lahat ng bagay na matatagpuan sa kanilang tahanan ay kaya niyang pagpatung-patungin nang hindi natutumba.

 

 

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with