^

Punto Mo

Pagkakaroon ng isa pang trabaho, bawal ba sa batas?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Plano ko pong kumuha ng isa pang trabaho para pandagdag kita. Maliit po kasi ang kinikita ko ngayon sa pinapasukan ko. Gusto ko lang po sanang malaman kung wala naman po akong nilalabag na batas sa pagkuha ko ng pangalawang employment. —Eric

Dear Eric,

Hindi sa batas nakadepende ang sagot sa iyong katanungan dahil wala namang batas na nagbabawal sa pagkakaroon ng higit sa isang mapagkukunan ng hanapbuhay, bukod na lang kung ikaw ay isang public official.

Ang kailangan mong alamin ay ang nilalaman ng iyong employment contract, kung mayroon ba itong probisyon na nagbabawal sa iyo na magkaroon ng ibang trabaho lalo na kung ito ay para sa isang employer na nasa kaparehong negosyo o industriya ng iyong kasalukuyang pinapasukan.

Kung wala namang ganyang pagbabawal sa iyo ang iyong kontrata, wala akong nakikitang problema kung ikaw ay kukuha ng isa pang mapagkakakitaan, basta’t gagawin mo ito sa iyong sariling oras at hindi ito makaaapekto sa performance mo sa iyong kasalakuyang trabaho.

WORK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with