^

Punto Mo

Vaccination drive palakasin sa labas ng NCR

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Maganda na ang nagiging resulta sa pinalakas na vaccination drive ng pamahalaan.

Sa pinakahuling survey, lumiit na kasi ang bilang ng mga Pinoy na ayaw magpabakuna.

Ibig lang sabihin nito, open na ang marami sa bakunahan matapos na makita ang kahalagahan.

Hindi nga ba’t umusbong ang iba’t ibang variant ng COVID at eto na ang Omicron na talagang mabilis ang naging hawaan pero, nakita na nakalamang ang bakunado.

Base nga kasi sa data, mas maraming naospital at nalagay sa kritikal na kalagayan ay hindi mga bakunado.

Habang hindi severe at  hindi malala ang mga naging kaso ng mas nakakaraming bakunado.

Mas lalo pa ngang inilalapit ng pamahalaan ang bakuna sa mga mamamayan.

Kung saan-saan na puwede silang magturok.

Inilunsad na ang bakuna sa iba’t ibang botika, ngayon nga ay umarangkada na rin sa mga terminal at sa mga susunod na araw sa mga paliparan at sa pantalan nais na ring maglatag ng vaccination site.

Ang bakuna ang nakikitang pangunahing panlaban sa virus. Bagama’t may nabakunahan na rin  naman ang hindi nakaiwas sa pagkahawa o sa pagtama sa kanila ng COVID, ‘yun nga hindi naging malala ang epekto nito.

May panlaban ika nga.

Sana ay tuluyan nang maibaba ang alert level sa Metro Manila, ngayong aminado na ang DOH na naabot na ng rehiyon ang peak ng kaso ng COVID dulot ng Omicron.

Patuloy na rin ang pagbaba ng kaso dito, bagamat sa labas ng Metro Manila naitatala ang mataas na kaso.

Giit nga ng karamihan, sana raw ay mas maramdaman din umano ang mas malawak na pagbabakuna sa mga lalawigan gaya nang ginagawa sa Metro Manila.

Giit ng maraming LGU sa labas ng NCR, ikalat ang bakuna para makarating sa kanila.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with