^

Punto Mo

Charity worker sa India, sinunog ang banko na nag-deny sa kanyang loan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INARESTO ng mga awtoridad sa India ang isang charity worker makaraang sunugin nito ang banko na nag-deny ng kanyang loan application!

Noong Disyembre 2021, nag-apply ng loan ang 33-anyos na si Wasim Hazaratsab Mulla sa Canara Bank. May pinatatakbong non-governmental organization si Mulla at kailangan niyang humiram ng 1.6 million rupees (katumbas ng P1.2 million) para ipambili ng mga equipment at machine para rito.

Makaraan ang ilang linggo, na-deny ang loan application ni Mulla dahil mara­ming discrepancies ang mga papeles na kanyang isinumite.

Hindi matanggap ni Mulla ang pag-deny sa kanyang loan kaya sinugod niya ang banko noong umaga ng Enero 9, 2022. Kumuha siya ng bato at binasag ang bintana at nagsaboy ng flammable liquid sa loob at saka sinindihan. Mabilis na kumalat ang apoy sa banko.

Tumawag ng bumbero ang mga tao sa katabing building samantalang hinabol ng iba pa si Mulla at kinuyog ito.

Napatay ang apoy bago pa masunog ang mga salapi at ginto. Ang mga nasunog ay limang computers, electric fans, passbook printers, cash counting machines at mga ilaw. Tinatayang 1.2 million rupees (katumbas ng P826,000) ang halaga ng nasunog.

Kinasuhan ng arson si Mulla at kasalukuyang nakakulong habang hinihintay ang igagawad na parusa sa kanyang ginawang kasalanan.

 

 

INDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with