^

Punto Mo

Ginang sa Australia, na-shock nang may makitang alakdan sa broccoli na nabili sa supermarket!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SHOCK ang 29-anyos na ginang na si Chloe Mitchell nang matuklasan na may kasamang alakdan ang broccoli na kanilang binili sa isang sikat na supermarket sa Australia.

Kakila-kilabot ang itsura ng alakdan na halatang makamandag.

Ayon kay Chloe, nabili ng kanyang biyenan ang broccoli sa isang branch ng Aldi supermarket sa Ulladulla, New South Wales.

Tapos na niyang hiwain ang gulay at isasalang na niya ito sa steamer nang may mapansin siyang gumagapang sa chopping board. Nang makita niya na isa itong alakdan, agad niyang tinawag ang asawa.

Nagpakita ng pagiging agresibo ang alakdan kaya ­minabuti nila na patayin ito at itapon sa basurahan.

Ipinost ni Chloe ang karanasan niyang ito sa isang Facebook group at naging viral ito sa Australian netizens.

Sa panayam sa Aldi supermarket, sinabi ng spokesperson nila na hindi dapat ikabahala ng kanilang customers na matulad sila sa naging karanasan ni Chloe dahil very rare o bihira itong mangyari.

Hinikayat nila ang bawat customers na linising mabuti ang mga binibiling gulay kahit sa supermarket pa ito nanggaling.

 

AUSTRALIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with