^

Punto Mo

RSA, may malasakit sa kapwa Pinoy!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

“SAMA-SAMA. Walang iwanan.” Ito ang battlecry ni San Miguel Corporation (SMC) president at chief executive officer Ramon S. Ang habang tinutulungan ang gobyerno sa pakikipaglaban sa COVID-19 at sa mga nasalanta ng bagyong Odette. Kahit anong delubyo pa at sakuna ang tumama sa Pinas, palaging nangunguna si RSA sa pagtulong sa kapwa niya Pinoy bilang pagpapakita ng malasakit niya sa mga ito.

Sa kasalukuyan, umabot na sa P30 milyon ang inilabas ni RSA bilang food donations sa mga lugar na sinalanta ni Odette. Hindi lang ‘yan! May karagdagan ding P5 milyong halaga ng ayuda ang ipinamahagi sa pamamagitan ng partner organizations at mga negosyo sa kuwadra ng SMC. Nag-donate din nang malinis na tubig ang SMC galing sa kanilang Bulacan Bulk Water Project. Dipugaaaaa! Hihihi! Walang sawa sa pagtulong si RSA sa mga kapuspalad nating mga kababayan, di ba mga kosa? Mismooooo!

Sa totoo lang, kaagad na inayos at binuksan ng SMC ang mga nasira nilang fuel service stations sa lugar na naapektuhan ni Odette upang magbukas na ang negosyo, transportation at para maging maayos ang relief operations ng gobyerno man o private sector lalo na sa Western Visayas, Central Visayas at Mindanao. Habang abala ang gobyerno ni President Digong at ang SMC sa paglaban sa virus sa Metro Manila, iginiit ni RSA na hindi dapat kalimutan o pabayaan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga biktima ng Odette hanggang makarekober ang mga ito.

“Many are still left with almost nothing. Together with partners from LGUs, the Armed Forces and non-profit groups, we in San Miguel continue to leverage our resources to help affected families gain immediate access to basic needs such as food and water,” ani RSA. “There is nothing we can’t do when we come together and look out for each other. We are in this together and we’ll be here to help you recover and rebuild,” ang dagdag pa ni RSA. Mismooooo! Hihihi! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa totoo lang mga kosa, si RSA, na nagselebra ng kanyang birthday kamakailan, ay isa ring environmentalist at sa katunayan ginabayan niya ang SMC sa ilang environment protection projects, tulad ng coastal clean-up. Nakasentro sa ngayon ang coastal clean-up drive ng SMC, sa pakikipagtulungan ng TUPAD project ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa Calatagan at Balayan sa Batangas kung saan 1,340 bags ng basura ang nakolekta. Lingguhan din ang aktibidades nila kasama ang DENR, at LGUs sa Isla Pulo at Tanza Marine Tree Park sa Navotas. Ang tree park mga kosa ay isang 26-hectare na mangrove strip na may 3.5 km shoreline at nagsilbing depensa ng kalapit na siyudad laban sa storm surges at coastline erosion. Mismooooo!

Nilinis na rin ng SMC ng 640,384 metric tons ng silt at solid waste ang Tullahan-Tinajeros River system at 165,700 metric tons naman sa Pasig River. “Caring for the environment is key to mitigating the global problem of climate change,”  ang pagtatapos ni RSA. Hihihi! Sana dumami pa ang lahi ni RSA! Dipugaaaaa! Abangan!

SAN MIGUEL CORPORATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with