^

Punto Mo

EDITORYAL - Brgy. officials na ‘di bakunado, ikastigo

Pang-masa
EDITORYAL - Brgy. officials na âdi bakunado, ikastigo

MARAMI umanong barangay officials ang hindi pa bakunado at ang mga ito ang nararapat na masampolan ng paghihigpit. Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ni President Duterte na higpitan ang paggalaw ng mga hindi bakunado. Sa direktiba ng Presidente noong nakaraang linggo, nararapat na manatili na lamang sa bahay ang mga hindi bakunado. Ang mga magmamatigas na patuloy na lumalabas ng bahay ay pinaaresto sa barangay officials.

Pero paano kung ang mga barangay officials pala ang hindi naman bakunado? Paano kung ang mga nagpapatupad ng batas ang hindi naman pala sumusunod sa pinag-uutos?

Sabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for barangay affairs Martin Diño, nararapat na mag-resign o mag-file ng leave ang barangay official na hindi bakunado. Hindi umano nararapat na manatili sa puwesto ang isang barangay official na hindi bakunado. Ayon kay Diño, nakakahiya na ang isang barangay official na nagpapatupad ng batas ukol sa pagbabakuna ang hindi naman pala bakunado. Dapat maging halimbawa ang mga pinuno ng barangay para mahikayat na magpabakuna ang kanyang mga nasasakupan.

Bagama’t hindi nagbanggit ng pangalan ng mga barangay official na hindi bakunado si Diño, may mga report na maraming barangay official ang hindi pa bakunado.

Una nang nagbigay ng direktiba ang DILG sa mga barangay officials na magsumite ng listahan ng mga bakunadong indibduwal sa kanilang nasasakupan. Kasama sa kautusan ang paghihigpit sa mga hindi bakunado na lumabas ng bahay, ayon sa naunang kautusan ni President Duterte. Kahapon, sinimulan na ang “no vax, no ride” policy sa mga pampublikong sasakyan.

Paigtingin pa ang paghihigpit sa mga hindi bakunado. Magpakita naman ng halimbawa ang mga barangay officials. Sila ang nararapat manguna sa pagpapabakuna upang mahikayat ang mamamayan. Ngayong tumataas ang bilang ng nagkakaimpeksiyon, nararapat mapaigting ang pagbabakuna.

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with