^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagbabakuna dapat house-to-house na

Pang-masa
EDITORYAL - Pagbabakuna dapat house-to-house na

BALAK ng Malacañang na gawing bahay-bahay na ang pagbabakuna para maabot ang bilang ng mga mamamayang bakunado sa buong bansa. Uunahin umano ang mga senior citizens at may comorbidities na walang kakayahang magtungo sa vaccinations sites. Ayon pa sa Malacañang, sa house-to-house vaccination campaign, malaking bilang ang madadagdag sa mga bakunado at makatitiyak na marami ang mapoproteksiyunan.

Sabi ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na marami, lalo ang mga senior citizens at may iniindang karamdaman ang hindi makapagtungo sa vaccination centers. Dahil dito, nararapat paig­tingin ng local government units (LGUs) ang pagpunta sa mga bahay-bahay para bakunahan ang mga ito. Ayon kay Nograles, marami pa ang hindi bakunado sa labas ng National Capital Region (NCR) kaya nararapat na mapaigting hanggang sa maabot ang target na bilang ng populasyon.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, 70 percent na ng populasyon ang nabakunahan kasama na rito ang nabigyan ng booster shots. Target na ring mabakunahan ang mga bata na limang taong gulang pababa.

Pataas pa nang pataas ang bilang ng arawang kaso ng COVID. Kahapon, pumalo sa 37,154 ang naitalang kaso ng Department of Health (DOH). Sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dodoble pa ang kaso sa Pebrero ganunman sinabi niya na ang case doubling time ay nakitaan ng pagbagal sa NCR.

Noong nakaraang taon may LGUs na nagbahay-bahay na sa pagbabakuna pero natigil dahil hindi sapat ang bakuna. Ngayong sobra-sobra na ang suplay wala nang maidadahilan para hindi ipagpatuloy ang house-to-house vaccination. Pati booster shots ay maaari na ring ipagkaloob. Nararapat nang paigtingin ang pagbabakuna para maabot ang target na bilang ng populasyon at marami ang maproteksiyunan sa virus lalo sa kumakalat ng Omicron variant. Ayon sa report ng DOH, karamihan sa mga naoospital ngayon ay pawang unvaccinated.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with