^

Punto Mo

Lalaki sa India na paralisado at di makapagsalita, gumaling matapos maturukan ng COVID-19 vaccine!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Jharkand, India na limang taong paralisado at hindi makapagsalita ang diumano’y himalang nakalakad at nakapagsalitang muli matapos maturukan ng COVID-19 vaccine.

Limang taon na ang nakararaan, naaksidente ang kotseng sinasakyan ng 55-anyos na si Dularchand Munda at nagkaroon siya ng spine injury. Dahil dito, nawalan siya ng kakayahang makapagsalita at naging paralisado ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Mula noon, naging bedridden na si Munda.

Noong nakaraang Enero 4, 2022, ilang oras pagkatapos maturukan ng COVID-19 vaccine, naramdaman muli ni Munda ang kanyang mga binti. Matapos ang isang araw, nakapagsalita na siyang muli at nakapaglalakad na sa tulong ng tungkod.

Naging viral sa Indian netizens ang kuwento ni Munda ngunit  maraming medical professionals ang hindi naniniwala sa himalang recovery na ito.

Sa kasalukuyan, bumuo ang mga opisyal ng Jharkand ng isang probe team upang imbestigahan ang pangyayaring ito upang i-analyze ang medical history ni Munda at nang makapagbigay sila ng isang objective information.

 

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with