^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (167)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANG sarap ng sabaw ng buko, Reagan! Tighaw ang uhaw ko. Puwede pa bang isang buko?’’ sabi ni Lincoln.

‘‘Aba oo.  Kahit dalawa o tatlo pa. Maraming buko rito,’’ sabi ni Reagan at inutusan si Bino na magtalop pa ng buko.

Nagbalat pa ng buko si Bino at tinapyasan para mainom ang sabaw.

Sarap na sarap si Lincoln habang iniinom ang sabaw.

‘‘Ako rin, Manong Bino isa pang buko.’’

Nagbalat pa si Bino at tinapyasan para mainom ni Mira.

‘‘Gusto n’yong kainin ang laman ng buko?’’ tanong ni Bino.

“Ako gusto ko,’’ sabi ni Lincoln. ‘‘Pero wala naman tayong kutsarang pangkuha ng laman.’’

‘‘Gagawa ako ng kutsara, Sir Lincoln,’’ sabi ni Bino.

‘‘Sige Bino.’’

Biniyak ni Bino ang mga buko na wala nang sabaw. Pagkatapos ay gumawa siya ng kutsara mula sa tinapyas na balat ng buko. Animo’y kutsara talaga ang ginawa ni Bino. Manipis iyon na kayang-kayang kutsarahin ang malambot na laman ng buko.

Tuwang-tuwa si Lincoln habang kinukutsara ang masarap na laman ng buko.

‘‘Ikaw Mira, gusto mo rin ng kutsara para makuha ang laman ng mura o buko?’’

‘‘Sige Manong Bino. Nainggit ako kay Papa, ha-ha-ha!’’

Iginawa ni Bino si Mira ng kutsara.

Tuwang-tuwa si Mira habang kinukutsara ang laman ng buko.

‘‘Ang linamnam nitong buko na ito. Sariwang-sariwa,’’ sabi ni Mira. ‘‘Ikaw Reagan, ayaw mo ng buko?’’ alok nito.

‘‘Sawa na ako. Panonoorin ko na lang kayo, ha-ha-ha!’’

Nagpatuloy ang mag-ama sa pagkain ng buko.

Nang matapos sa pagkain ng buko ang mag-ama, nagpatuloy sila sa paglalakad. Si Bino na nakasakay sa kalabaw ang nasa unahan.

Magkasabay sa paglalakad sina Reagan at Mira.

“Gusto kong sumakay sa kalabaw, Reagan. Paturuan mo ako kay Manong Bino.’’

“Sige.’’

Tinawag ni Reagan si Bino.

‘‘Bino may sasabihin sa iyo si Mira.’’

Pinatigil ni Bino ang kalabaw.

‘‘Ano yun Mira?’’

‘‘Isakay mo ako sa kalabaw, Manong.’’

‘‘Halika.’’  (Itutuloy)

LIFE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user