_pang-masa
^

Punto Mo

Kung may umaayon, may nag-aalburoto sa ‘no vax, no ride’ policy

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang malaki ang magiging problema sa pagpapatupad ng ‘no vax, no ride’ policy ng Department of Trasportation (DOTr).

Sa Lunes pa naman ito sisimulan kung saan nga hindi na pasasakayin sa mga public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila ang mga hindi bakunado.

Ito naman eh habang umiiral pa sa rehiyon ang Alert Level 3 dahil sa pag-alagwa ng mga kaso ng COVID.

Nakasaad ang kautusan sa  Department Order No. 2022-001 na inisyu ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

Nasabi nating may malaking problema, ito ay dahil sa ngayon pa lang eh marami na kumokontra.

Una na diyan siyempre ang grupo ng mga commuters na maapektuhan sa ipapatupad na ­panuntunan.

Saan nga naman sila sasakay sa pagtungo nila sa kanilang trabaho.

Lalo na raw ang mga nagpabakuna naman, pero katulad sa bakuna ng Astra Zeneca tatlong buwan bago mo matanggap  ang second dose na lubhang matagal.

Hindi sa ayaw nilang magpabakuna, gusto nga nila pero hindi naman umano nila kasalanan kung masyadong matagal bago sila mabigyan ng second dose.

Binira rin ng ilang senador ang polisiya, kasabay nang pagsasabi na hindi dapat i-discriminate ang mga hindi bakunado.

Dapat umanong umisip na lamang ng pamamamaraan na makumbinsi ang publiko na magpabakuna. Hindi rin umano makatwiran na dahil sa hindi bakunado ay hindi na pagsisilbihan ng gobyerno.

Kailangan din naman na mabigyang pansin ang mga may medical conditions kaya hindi  ­nagpapabakuna o kaya naman dahil sa paniniwalaang pang relihiyon at yung iba na hindi talaga naniniwala sa bakuna.

Ipinaliwanag ng DOTr na binuo nila ang naturang polisiya upang protektahan ang lahat ng mga mamamayan, bakunado man o hindi, partikular na ang mga taong high risk o nanganganib sa sakit, ang healthcare system, at maging ang mga napapagal nang medical workers, ngayon ngang muling nakakaranas ng surge sa COVID-19 cases ang Pilipinas.

Mukhang magiging mahaba ang diskusyon tungkol dito, na sana nga ay mabalanse para sa lahat.

Pero siyempre komo nga nasa panahon tayo ng pandemya kung saan maituturing nasa national emergency ang bansa dahil sa pandemya, siyempre ang nais ng pamahalaan eh mapagbigyan lahat, pero sa isang banda kailangang mapagtuunan ang  ang kapakanan ng mas nakakarami.

Pero dapat marahil na makaisip ng pamamaraan para naman hindi gaanong ma-discriminate o maapektuhan ng polisiya ang mga hindi bakunado dahil sa pansarili nilang kadahilanan.

 

 

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with