^

Punto Mo

Kandidato sa India, napaiyak nang walang bumoto sa kanya gayung may 12 siyang botanteng kamag-anak!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Gujarat, India ang naging laman ng mga balita matapos itong umiyak sa harap ng newspaper at TV reporters dahil isang boto lamang ang natanggap niya samantalang mayroon siyang 12 kamag-anak na botante!

Tumakbo si Santosh Halpati bilang Sarpanch sa Chharwala Village ng Vapi district. Sa local government sa India, ang Sarpanch ay isang decision maker position ng isang village.

Ayon kay Halpati, sinubukan lamang niyang tumakbo at hindi naman siya umaasa na manalo pero ikinagulat niya na isang boto lang ang natanggap at iyon ay mula sa sarili niya!

Nakunan ng mga news reporter ang pag-iyak ni Halpati matapos nitong marinig sa counting center na isa lamang ang natanggap niyang boto.

Sa panayam kay Halpati, mayroon siyang 12 na malapit na kamag-anak at lahat ng mga ito ay registered voters. Ang masakit pa para sa kanya, lahat ng mga kamag-anak niya ay nangako na iboboto siya.

INDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with