^

Punto Mo

Restaurant sa Mexico, kayang magsilbi ng pagkain sa loob ng 13.5 seconds!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HAWAK ng restaurant na Karne Garibaldi sa Me­xico ang Guinness World Record title na “World’s ­Fastest Food Service” dahil kaya nilang ihain sa customers ang kanilang order sa loob lamang ng 13.5 ­seconds!

Kilala ang Karne Gari­baldi sa Mexican dish na carne en su jugo at dinarayo sila dahil sa pagkaing ito. Pero mas nakilala sila sa buong mundo dahil literal na fast food ang kanilang binibigay na serbisyo rito.

Matapos kasing umorder ang kanilang customer sa mga waiter, maghihintay lamang ng 13.5 segundo at naka-serve na ang pagkaing inorder!

Ayon sa manager nito na si Daniel Flores, nagsimula ang mabilis nilang serbisyo noong dekada 90 nang magkaroon ng paligsahan sa pagitan ng waiters kung sino ang makakapag-serve nang mabilis sa customers.

Dahil naging tradisyon na nila ang pabilisan magserve ng pagkain, naisipan nila na mag-apply sa Guinness Records sa titulong World’s Fastest Food Service at agad namang napasakamay nila ang titulo noong 1996.

Simula pa 1996 hanggang kasalukuyan, marami nang restaurant sa buong mundo ang sumubok agawin ang titulo mula sa Karne Garibaldi ngunit walang nagtatagum­pay ­makagawa nito.

MEXICO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with