^

Punto Mo

Unawain ang oras ayon sa Bibliya

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

MARAMING tao ang alipin ng oras at ng sobrang bilis ng takbo ng buhay. Marami ang laging tensiyonado, nahahapo, at mabuway ang emosyon. Ang totoo, alipin ang tao ng oras. Ang tanging paraan para makalaya sa paniniil ng oras ay ang unawain ang oras ayon sa depinisyon ng Bibliya.

Ano ba ang pananaw ng Biblia tungkol sa oras?

Una, ang oras ay araw-araw na biyaya ng Diyos na dapat irespeto. Hindi natin ito sarili, kung kaya’t hindi dapat aksayahin. Hindi natin ito inimbento, kung kaya’t wala tayong kontrol dito. Tanging ang Diyos ang may kontrol sa oras, sapagkat Siya lamang ang hindi kontrolado ng oras.

Ang paniniwala na ang Diyos lamang ang may kontrol at kapangyarihan sa oras ay magdudulot sa atin ng kapayapaan, kaginhawaan at kasiguruhan. Ang mga kaganapang nakapaloob sa oras ay hindi mga aksidente, kundi mga bagay na itinakda. Gayunman, kahit mga bagay na itinakda ay maaaring baguhin ng Diyos. Hindi natin tiyak ang bukas, ngunit ang bukas ay hawak ng Diyos sa Kanyang mga kamay.

Naniniwala ang mga sinaunang tao na paulit-ulit lamang ang takbo ng kasaysayan. Nakakulong daw tayo sa kasaysayan. Pero sa Biblia, ang oras ay ang punto na ang Diyos ay kumikilos upang mangyari ang maganda Niyang plano para sa lahat. Ganito ang sabi ng Diyos sa Jeremias 29:11, “Sapagkat nalalaman ko ang aking mga panukala para sa inyo, mga panukala para sa ikabubuti at hindi sa ikasasama, upang bigyan kayo ng kinabukasan at ng pag-asa.”

Ikalawa, may hangganan ang oras natin dito sa lupa, kung kaya’t dapat nating samantalahin ang bawat pagkakataon sa paggawa ng mabuti. Carpe diem, wika ng makatang si Horace.  Sunggaban ang sandali, sapagkat hindi na ito muling magbabalik.

Huwag nang ipagpabukas pa ang paggawa ng kabutihan. Kung may kagalit ka, makipagkasundo ka na. Kung may dapat kang tulungan, tulungan mo na. Kailanga ituring mo ang bawat araw na huling araw mo na sa mundo—hindi para manginig sa takot, kundi para magawa ang pinakamabuti sa kapwa.

Ikatlo, kailangang balansihin ang oras sa pagitan ng trabaho at pamamahinga. Ang pinakasimpleng paraan upang magawa ito’y ang pangingilin tuwing Araw ng Sabbath o ang pananambahan tuwing Linggo. Ang Sabbath ay hindi lamang nangangahulugan ng paghinto ng pagtatrabaho. Ito ang pamamahinga sa Diyos sa pamamagitan ng sama-samang pagsamba sa Kanya.

Ang Sabbath ay oras ng pagre-recharge physically, psychologically, socially, at spiritually dahil ito ang pamamahinga sa Diyos, paghinto ng karaniwang gawain, pakikipagkapatiran, at pagpapatatag ng pagpapahalaga sa sarili o self-worth.

Ang pangingilin sa Araw ng Sabbath ang gamot sa workaholism, na isang uri ng addiction kung saan isinasandig ng tao ang kanyang halaga sa nga bagay na kanyang ginagawa, sa halip na sa kanyang kakanyahan o being.  Tayo’y tinatawag na human being at hindi human doing.

Tanawin ang oras ayon sa paningin ng Diyos. Alalahanin ang winika sa Efeso 5:16, “Lubos ninyong gamitin ang pagkakataon, sapagkat ang mga araw ay masasama.” Simula sa araw na ito, Enero 1, gawin ang pinakamabuti sa kapwa upang pagdating ng Enero 31 ay maisulit mo sa Diyos, “Ginawa ko ang lahat ng pinakamabuti ayon sa pagkakataon.” 

BIBLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with