^

Punto Mo

Online gambling, dapat rendahan! – Eleazar

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MARAMING pamilyang Pinoy ang nasira dahil sa online gambling, lalo na ang online sabong at e-sabong, kaya dapat rendahan ito ng gobyerno ni President Digong bago maging huli ang lahat, ani senatorial aspirant ex-PNP chief Guillermo Eleazar. Hindi biro kasi na nawalan na ng trabaho ang mga Pinoy dahil sa pandemya, lalo na ang mga overseas Filipino workers (OFWs), at nawawala lang ang mga pinaghirapan nila sa online sabong at e-sabong.

Dumarami na ang naglalabasang balita ukol sa sigalot na dulot nitong online gambling sa mga Pinoy at sang-ayon si Eleazar kina Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson at running- mate Senate President Vicente “Tito” Sotto na dapat i-address ni President Digong ang problemang dulot ng online gambling para hindi na maghihikahos ang mga OFW at ordinaryong Pinoy.

Sa Pampanga may report na nagpakamatay pa ang adik sa e-sabong dahil naubos ang pitsa niya sa katataya sa naturang sugal. Araguuyyyyy! Dipugaaaaa!

Sinabi ni Eleazar na hindi lang ang pamilya ang nasisira sa online gambling kundi ang adik dito ay kalimitan nababaon sa utang. Madali lang kasing maglaro dito sa online sabong at e-sabong dahil pipindot ka lang sa gadget at presto....nababawasan na ang laman ng iyong wallet o pera sa banko. Sa kapipindot mo ng gadget, hindi mo namamalayan na paubos na ang pinaghirapan mong pitsa at kapag nagising ka sa katotohanan, abaaaa baon ka na sa utang.

“Maaring naaliw tayo sa mga joke at meme sa social media na dahil sa online sabong ang dating kotse ay naging motor na, ‘yung dating may-ari ng bahay ay homeless na at ‘yung dating may pamilya ay hiwalay na,” ani Eleazar, na alam ang sitwasyon ng online gambling sa anim na buwan niya bilang PNP chief. “Subalit hindi ito nakakatuwa sa mga pamilyang tinamaan ng addiction sa online sabong,” ani Eleazar. “Gaya ng ibang sugal, mababaon ka sa utang dito at ang ending ay pamilya mo ang magdurusa dito dahil may nabalitaan din tayo na maraming pamilya ng OFW ang naapektuhan nito,” dagdag pa niya.

Kaya nakikiisa si Eleazar sa suhestiyon nina Lacson at Sotto na kailangang makialam na ang gobyerno ni President Digong laban sa online gambling dahil dumarami na ang pamilyang Pilipino na sinira nito. Mismooooo! Dipugaaaaa!

Ang panawagan kasi ni Sotto ay maimbestigahang maigi sa Senado ang e-sabong ng negosyanteng si Atong Ang para matanto kung public utility ba ito at kung anu-ano ang kasamaan na idinudulot nito sa mga Pinoy. Si Ang din ang nasa likod ng online sabong na AA Lucky8 Pitmaster Live at ang karibal sa negosyo na si Bong Pineda ang sa Sabong Express na pinagkakaguluhan ng mga adik sa sabong.

Kung si Eleazar ang tatanungin, kailangan mahigpit na ipatupad ang mga batas para ma-regulate ang online gambling, kung hindi ito kayang ma-control, para hindi lumala ang addiction dito na maaring mapunta rin sa mga ilegal na gawain o krimen. Hindi lang ‘yan! Kapag kontrolado na kasi itong sugal, maiiwasan din na pumasok dito ang mga kabataan. Tumpak! Hihihi! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan! Dipugaaaaa! Abangan!

GAMBLING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with