^

Punto Mo

Lalaki sa China, nakatiis ng isang taon na may nakabarang kutsara sa lalamunan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa China ang nakalulon ng kutsara at nakatagal ng isang taon na nakabara ito sa kanyang lalamunan!

Dahil sa pustahan, sadyang nilunok ng hindi pinangalanang lalaki sa Xinjiang China ang isang kutsara na may 8 pulgada ang haba! Tinalian ng pisi ang kutsara kaya may kumpiyansa ang lalaki na mahihila niya ito palabas ng kanyang lalamunan.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, naputol ang tali at hindi na nakuha ang kutsara.

Pero imbes na dumiretso sa ospital, hinintay muna ng lalaki kung may magiging epekto ba ito sa kanyang paghinga, pagkain o pag-inom. Nang walang mapansin na kakaibang sintomas ang kutsarang nakabara sa kanyang lalamunan, kinalimutan na niya ito at nagpatuloy sa kanyang mga pang-araw araw na gawain.

Pagkalipas ng isang taon, nasangkot sa away kalye ang lalaki at nasuntok siya sa dibdib. Sa pag­kakataong ito, nakaramdam na siya ng pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga kaya isinugod siya sa ospital.

Napagdesis­yunan ng mga doktor sa Xinjiang Meikuang General Hospital na isailalim sa endoscopy ang lalaki. Inabot ng dalawang oras ang operasyon bago nakuha ang kutsara.

Sa kasalukuyan, naka-rekober na ang lalaki at maari nang lumabas sa ospital.

 

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with