_pang-masa
^

Punto Mo

Bagong variant, maagang paghandaan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi pa man tuluyang naipapatupad ang pagpapapasok ng mga fully vaccinated na dayuhang turista, muli itong sinus­pinde ng pamahalaan dahil sa  banta ng bagong COVID-19 variant na Omicron.

Dahil din sa variant  na ito na  sinasabing mas madaling maka­hawa  kaya mukhang hindi pa rin tuluyang magiging merry ang holiday season.

Nauna na ring nagpatupad ng travel ban ang pamahalaan sa ilang bansa.

Nandyan at pinag-aaralan na nga ring  maibalik ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar, kasama na marahil dyan ang mga pampublikong sasakyan.

Bukas  sana simulang ipatupad ang pagpayag sa pagpasok sa bansa ng mga fully vaccinated na turista mula sa green list countries.

Layunin nito na tuluyang mapasigla ang turismo sa bansa na matagal nang  nalugmok dahil sa pandemya.

Ngayon ngang marami nang lugar kabilang ang Metro Manila sa nasa Alert Level 2, kaya marami na ring kaluwagan ang pinapagayang maipatupad, hindi nga ba’t inaasahan na rin na bababa pa sa Alert Level 1 ang rehiyon na mukhang baka hindi mangyari dahil nga sa bagong natukoy na variant na galing sa South Africa.

Ngayon dahil sa matinding banta ng variant na ito, marami sa inaasahan natin ngayon pagpasok ng buwan ng Disyembre ang baka maudlot.

Pero kailangan talaga itong mabantayan, dahil kung hindi baka ang matagal na nating pinagtiisan sa mahabang panahon  eh baka mauwi lamang sa wala at bumalik sa dati.

Maraming bansa na partikular sa Europa ang natukoy nang may kaso ng Omicron at maging sa Hong Kong.

Ang mahigpit na implementasyon ng border control ay makakatulong ng malaki para maagapan ang pagpasok ng nasabing variant,

Dapat ngayon pa lang magpatupad na nang kahigpitan, para hindi malusutan.

Gaya ng dati hindi dapat maging kampante, dapat nga mas lalong mag-ingat dahil sa

banta ng bagong variant.

Mahirap na baka muling magkasisihan.

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with