_pang-masa
^

Punto Mo

Pagmumura sa social media

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MATAGAL na siyang naghihinala. Isang araw, sinundan niya ang dalawa. Magkasamang pumasok sa sinehan ang kapit­bahay nilang seksi at ang pinakamamahal na boyfriend. Pumasok din siya sa sinehan. Hinintay na lumiwanag. Nang matiyak kung saan nakaupo, walang sabi-sabi na sinabunutan niya ang babae. Hindi pa siya nasiyahan at sinampal niya ito. Nang awatin siya ng boyfriend, ang bag naman niya ang inihampas sa mukha nito. Aringking sa sakit ang boyfriend dahil tumama ang buckle ng bag sa noo nito.

Nagkagulo sa sinehan. Bago pa sila damputin ng mga security guard ng mall nakapuslit agad siya. Ang seksing kapitbahay at taksil niyang boyfriend ang minalas na nadampot ng mga security guard.

Umuwi siyang nagpupuyos sa galit. Binuksan ang laptop at nagsulat sa account niya sa social media: Pu…ina ka Tarcila, pokpok!

Si Tarcila ang seksing kapitbahay na sinapak niya sa sinehan. Pagkaraan ng isang buwan pinatawag siya sa barangay dahil nagsampa ng reklamo si seksing Tarcila laban sa kanya. Katakut-takot daw na kahihiyan ang natamo nito dahil sa pagtawag sa kanya ng pokpok sa social media.

Walang nangyaring pagkakasundo sa barangay. Kaya lang pala nagsampa ng reklamo si Tarcila sa barangay ay para lang masabi na dumaan siya sa tamang proseso bago niya isampa ang kaso sa korte.

Tuluyan na siyang idinemanda ni Tarcila. Ang masakit idinemanda din siya ng boyfriend. Ang nanay ni Boyfriend ang nagsulsol na idemanda siya. Ang sabi ng ina: “Akala mo naman kung makagalit, asawa na siya. Kung girlfriend pa lang, parang ulol na tigre na kung magalit, anong klase nang hayop iyan kung misis na siya ng aking anak?”

Sabi ng abogado sa kanya: Alam mo bang krimen pa ring maituturing ang sabihan mo ng pokpok ang isang babae kahit pa siya ay totoong nagbebenta ng aliw?

Ngayon nagsisisi siya sa kanyang ginawa. Bukod sa gumulo na ang kanyang buhay, malalaslasan pa ang bulsa niya sa gagastusin sa kaso. Inabuso kasi niya ang paggamit sa social media. Ang taong sibilisado, kahit anong galit, napapanatili niya ang kanyang maayos na pag-uugali.

SOCIAL MEDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with